Photo Courtesy: ABSCBN News
Nilubog ngayon sa baha ang limang bayan sa Maguindanao matapos umapaw ang mga ilog dahil sa pag-ulan nitong nagdaang araw ayon sa PDRRMC nitong martes June 9.


Kabilang sa mga bayang nilubog ay ang bayan ng Datu Salibo, Mamasapano, Mother Kabuntalan, Pagalungan, at Sultan Sa Barongis.

Inaalam pa sa ngayon ng PDRRMC ang mga pamilyang naapektuhan sa nasabing trahedya.

Ayon pa sa PAG-ASA Cotabato, dulot umano ng inter tropical convergence zone ang naranasang pag-ulan sa nasabing bayan.






Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post