Advertisement

Korina sa mga Paid Trolls: “Ang kalahati ng katawan nila ay nakasanla na kay Satanas.”

Inilabas ng Rated K host na si Korina Sanchez ang kanyang mga saloobin tungkol sa mga bashers at mga paid trolls umano.

Ayon kay Korina, 500 per day umano ang mga bayarang trolls na ito.

Nasabi niya ito matapos mag-guest si Kim Chiu noong May 31 sa kanyang programang Rated k, na binabash ng karamihan dahil sa kanyang Classroom Statement.

Bilib dinsi Korina sa katatagan ni Kim dahil sa halip na madepress ay bumangon ito ulit at naging positibo sa buhay.

Ginawan nalang ito ng kanta.

Matapos nito ay nagsimula ng mangsermon si Korina sa mga paid trolls.

Ayon kay Korina:


“Definitely. Alam mo kung bakit? Aminin na natin na lahat ng mga nega na ‘yan, titingnan mo yung profile, ang followers wala pang limampung tao. Obvious ba, na bayad ang mga lintik na ‘yan!”

“Ang tingin ko sa mga troll, ang kalahati ng katawan nila ay nakasanla na kay Satanas. Isipin mo, pinalaki sila ng mga nanay at tatay nila para mag-nega.

“Talaga? ‘Yan ba ang ambisyon ng mga magulang para sa mga anak nila?

“Pero naiintindihan ko. Lahat sila nangangailangan ng pagkakakitaan,” tuluy-tuloy na sabi ni Korina. Aniya pa, kumikita raw ang mga bayarang troll ng P500 kada araw.

“Sinasabi ko lang sa lahat ng mga troll, ‘Talaga, ang kabuhayan ninyo ay magpaka-nega?’


“Kasi sa totoo lang, hindi ko talaga pinapaniwalaan na proud ang parents ninyo sa ginagawa ninyo, right?”


“Magalit na sila kung gusto nila, wala akong pakialam. Kaya ko sila, kahit sabay-sabay pa sila!” palaban pang pahayag ni Korina na tulad ni Kim ay binatikos din nang bonggang-bongga dahil sa pagtatanggol niya sa ABS-CBN.

Watch Video here:


Post a Comment

0 Comments