Hindi nag-alinlangan ang isang abogado na sagutin ang matinding banat ng aktress na si Sharon Cuneta kay Sonny Alcos na nagbabanta umanong halayin nito si Frankie kung siya ay 12 years old palang dahil hindi rin siya makukulong dahil sa batas ni Kiko Pangilinan.

Sa kanyang facebook page, ibinahagi ni Atty. Nick Nangit ang kanyang saloobin kay Megastar.

Basahin Dito:
Tama ka, Shawie. Aralin muna ang batas, lalo ka na.


Kung binasa mong maigi ang sinabi ni Sonny, ginamit niya ang salitang KUNG. Ang ibig niyang sabihin ay kapag ibinaba niya ang edad niya sa edad na saklaw ng batas, hindi siya makukulong.

Sinabi niya yan, para makita ng lahat ang epekto ng batas na yan. Ito ang dating sa isang tao na hindi puno ng galit, kundi kalmado ang pag-iisip. Kung baga sa isang huwes, babasahin ang isinulat niya nang walang namumuong panghuhusga agad.
Suriin natin.

Hindi lahat ay kagaya mo kung umintindi. Oo, nanay ka ni Frankie, karapatan mo ang magalit, pero iba ang konteksto ng sinabi ni Sonny.


Totoo ang sinabi ni Sonny na hindi makukulong ang isang dose anyos na bata. Maaari niyang gamiting halimbawa ang isang imaginary victim, pero ang ginamit niyang halimbawa ay ang anak mo, dahil nag komento ito tungkol sa kultura ng panggagahasa (kahit walang ganun, kung marunong siyang umintindi sa salitang kultura).

Hindi ba pwedeng gamitin si Frankie na halimbawa, just to drive home the point na ang ama niya mismo ang nag panukala ng batas na yan? (Syempre, hindi ginamit ni Sonny si KC, dahil anak mo ito sa ibang lalaki.)

Sa mga sinabi mo Shawie, ano ang anak mo, untouchable? Pag ginamit siyang halimbawa, kawalan agad ng respeto? Nasa pedestal ba siya ng mga sinasanto? Di ata ako na-inform. Hindi ito usapin na babae siya, kundi usapin ito ng posibleng panggagahasa ng isang menor de edad na hindi makukulong. Gets mo?

Bakit hindi makukulong? Dahil nga, ayon sa batas, sa murang edad na 12 ay hindi pa nito nauunawaan ng lubusan ang tama at mali, pati ang kawalan ng kalayaan pag gumawa ng krimen.


Kung tinanggal man ni Sonny ang mga socmed accounts niya, karapatan niya yun. Marami siyang pwedeng maging dahilan, at hindi ang dahilan lang na naiisip mo. Wala kang pake sa gusto niyang gawin at hindi makokontrol yan ninuman.

Kung naghahamon ka naman ng away sa socmed, naisip mo rin ba na ikaw mismo ay pwedeng makasuhan kapag nanira ka ng puri o nagbanta. May batas diyan. Tanungin mo asawa mo o, better yet, since ayaw mo siyang ipasok sa eksena, aralin mo na lang.

Balikan natin ang sinabi ni Sonny. Anong ikakaso mo, libel? Threats?

Kapag inaral mo ang batas, nakasaad sa Artikulo 353 ng Revised Penal Code na ang libel ay isang "public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status or circumstance tending to cause dishonor, discredit or contempt of a natural x x x person x x x."

May isinapubliko bang sinabi si Sonny na malisyosong paratang (hindi basta malisya, kundi paratang) ng isang krimen, bisyo, o depekto na magdudulot ng kawalan ng dangal sa anak mo? Isipin mong maigi.
Ang nakasaad naman sa Artikulo 282 ng parehong batas, ang grave threats ay kapag may "threaten another with the infliction upon the person, honor x x x of any wrong amounting to a crime x x x".

May pagbabanta ba si Sonny na gagahasain niya si Frankie? At saka sa ilalim ng batas, hindi sapat ang basta banta. Dapat seryoso, mabigat, at tutuparin ang pagbabanta, hindi ngawmgaw lang, kahit may Cybercrime Prevention law na tayo. Aralin mo rin yan.

At saka, lagpas 18 na ba ang anak mo? Ang tawag diyan, age of emancipation. Si Frankie ang pwedeng maghabla ng libel, cyber libel, o grave threat, hindi ikaw, kahit ina ka pa, kahit mag ngawa ngawa ka pa, kahit mag alipusta ka pa. Nasa batas din iyan. Aralin mo na naman yan.

Wag nating kalimutan na hindi naman maibabalik na ang panahon at bumata muli si Sonny. Kaya't sa ilalim ng batas, ang tawag diyan, kung sakali man may paratang o banta, ay "impossible crime". Nadagdagan na naman ang aaralin mo.
Nakakagulat lang at nakabawas ng malaki sa iyong pagkatao, kahit bilyonarya ka pa (dahil yun ang inispluk mo sa buong mundo sa isa mong socmed brouhaha), na dumakdak kang feeling entitled ka pala.
Una, ipinagmamalaki mong kaibigan at abugado mo ang DoJ Secretary. Weno ngayon kung kaibigan mo siya?! Ibig mo bang sabihin na dapat matakot na si Sonny sa iyo? Lumabas tuloy ang kulay mo.
Kahit mali ka, basta't may kakilala ka e magiging tama ka, ganun ba yun? Yan ang sistemang palakasan na dapat buwagin sa ating lipunan. Pero, imbes na maging bahagi ka ng pagsasaayos ng ating bansa (dahil tinitingala ka bilang isang artista at mangaawit), dumadagdag ka pa sa pagkabulok ng sistemang yan at ipinagmamalaki mo pa na may kaibigan kang mataas na tao, kaya dapat katakutan ka.

At saka, hindi mo na siya abugado, dahil DoJ Secretary na siya. Hindi mo siya pwedeng kunin para ipagtanggol ka sa korte. Aralin mo talaga ang batas o paturo ka naman please.

Pangalawa, ipinagyabang mo pa "kung sino ako", "anak ni Pablo P. Cuneta (na dating alkalde), "mali ang binangga mo", at ti-nag mo pa talaga ang mayora ng Davao City na anak ng Pangulo. E di wow!
Ibig mo bang sabihin, dahil malaki kang tao (literally and figuratively), anak ng pulitiko, at may koneksyon, e hindi ka dapat kinakalaban? Ke tama o mali ka, always right ka teh? At kung maliit na tao naman, hindi anak ng pulitiko, at walang koneksyon, e pwede niyang kalabanin? Ganun ba yun?

Teka muna pala, kinalaban ka ba ni Sonny o nag imagine ka lang na kinalaban ka niya? Ni hindi nga niya binanggit ang pangalan mo. So, bakit ka ngumangawa? Hindi na bagets ang anak mo. Sa ilalim ng batas, magkasuhan man sa korte, wala kang personalidad. Sa showbiz ka lang merong personalidad, sa korte wala. Batas yan. Ang dami mo nang aaralin.

Pangatlo, tinawag mo si Sonny na aso at unggoy. Maging ang Diyos mo, tinawag mo rin para tulungan siya sa iyong pagbabanta. Does that make your "God proud"? Ay, onga, sabi mo rin pala sa Twitter mo, trying your best ka lang. Ika nga sa kanta, you did your best, but your best wasn't good enough.
Alam mo, Shawie, hindi ko kilala si Sonny. Independent thinker ako. Oo't inilabas mo ang galit mo bilang isang ina, pero wala ka sa lugar. At gaya ng nasabi ko na, lumabas ang totoo mong kulay.

Sana iwasto mo ang iyong pagkakamali.
Payo ito na hindi mo man hiningi o kinailangan, galing naman sa isang maliit na fan mo (dati).
Nakakapanghinayang. Hindi talaga nabibili ng pera ang tamang ugali.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post