Advertisement

"Bakit kailangang matakot"? Mag-asawang may COVID-19 matapang na sinama sa ospital ang anak

Sa isang facebook post, ay ibinahagi ng mag-asawang nagpositibo sa Covid-19 ang kanilang dinanas sa pakikipaglaban sa virus.

Malaking pagsubok ito sa kanila dahil pareho silang nagposito sa Covid-19.

Ang nakakamangha sa kanila ay matapang nilang dinala sa ospital ang kanilang anak kahit negatibo sa Covid-19.

At makalipas ang ilang araw ay bigla nalang silang nagnegatibo sa nasabing sakit na parang walang nangyari at hindi rin nahawaan ang bata.

Basahin ang post dito ni Eldy Marcelo Dumayag:

Yes, I am COVID-19 positive patient.

I am rapid test IgG positive. (May 22)
I am RT-PCR (swab test) positive. (May 26)
Quota na ba? Wait, there's more. Since positive ako sa swab test (RT-PCR), contact tracing tayo.

My wife, Glescy is tested and it turns to be positive also in rapid anti-bodies test. (May 28)

Our son, EG is rapid test negative. (May 28)
We are ALL admitted at New Era General Hospital. Kahit negative si EG, sinama namin sya because he needs us. Kailangan nya nanay nya to breastfeed him.
EG is a living proof that a COVID-19 negative person can live with a COVID-19 positive person. Napapalibutan si EG ng more than 30 positive patient. So, bakit kailangan matakot?

Then, all of a sudden, We are all NEGATIVE. RECOVERED. CLEARED. NOT INFECTIVE. (May 31)

Paano nangyari 'yon na yung pandemic ay parang napadaan lang sa buhay namin? And now, we live as normal as before. Di ba nakamamatay yun? Di ba nakakatakot yun? Yun ang sabi nila. Kami na nakaranas nito, eto masasabi namin. Mas paniniwalaan ko naranasan namin kaysa sa naririnig, nababasa, nakikita nyo o sa sasabihin ng ibang tao. Di na uso ang discrimination ngayon. At hindi tumatalab sa amin ang fake news.

Thankful kaming pamilya dahil isa kami sa kinasangkapan ng Panginoong Diyos para sabihin sa lahat ng mga kapatid at sa lahat ng tao na WAG MATAKOT, WAG GAGAWA NG USAPIN, WAG MAGKAKABAHA-BAHAGI, IBIGIN MO ANG IYONG KAPWA GAYA NG PAG-IBIG MO SA IYONG SARILI at MANATILI ANG PAGTITIWALA SA PANGINOONG DIYOS. Very basic diba?
Totoong may COVID-19 (SARS-COV-2 ang virus strain nya). Yan ang nakita sa nasopharyngeal at oropharyngeal swab ko na pinadala sa private laboratory sa Mandaluyong. Pero para katakutan, yun ang hindi totoo. At para gawan ng kung anu-anong istorya, ayun ang lalong hindi totoo.

Nangibabaw ang aming pagka-Iglesia Ni Cristo sa ganitong pagkakataon. Wala kang ibang pakikinggan, paniniwalaan, susundin kundi ang itinuturo mula noon ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo. Tinuruan kaming laging nasa tama, balanse at makatotohanan.

Nagpapasalamat kami unang-una sa Panginoong Diyos, sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo sapagkat mayroon programang inilulunsad para sa kabutihan at kapakanan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Sa pagamutan ng Iglesia, ang New Era General Hospital na bukod tanging ospital na hindi tumatanggi sa mga COVID patient, maraming salamat po. Maraming salamat po sa saganang panalangin sa loob ng pagamutan.

Kung papiliin ako kung COVID-19 negative o COVID-19 positive, i will still choose to be COVID-19 positive. Kasi meron na akong anti-bodies. Medically, I am immune, not infective and cannot be infective to others.
Maraming salamat sa lahat ng tumulong, nanalangin, sumuporta sa amin lalong lalo na sa aming mga pamilya na hindi kami binitawan mula umpisa at sa mga kakilala, maraming salamat sa tulong nyo. Maraming salamat sa inyo.

At ikaw na nagbabasa nito ay sakaling makaranas nito, eto masasabi namin.
Lalo kaming naging masaya.
Lalo kaming naging matibay
Lalo kaming naging malakas.
Lalo kaming naging matapang.
Lalo naming pinahalagahan ang aming buhay.

Lalo kaming hindi natakot.
Lalo kaming nagmahal.
At lalong nagtiwala sa Panginoong Diyos.

Post a Comment

0 Comments