Isinauli ng isang delivery driver ang napulot niyang wallet sa may-ari nitong security guard.

Kwento ni Muii Velasquez, nakita niya ang wallet sa bandang Boni Avenue. Ipinost niya sa Facebook ang ID para mahanap ang may-ari. May kumontak daw sa kanya at ibinigay ang number ng sekyung si Mang Rolly.


“Pwede ko na itong hindi isauli, pwede na ako hindi bumiyahe ng isang linggo. Pero hindi ko ginawa iyon dahil alam ko nang pinupulot ko palang ito ay nakatingin na sa akin ang Diyos at alam ko na pinaghirapan niya itong pera na ito para sa pamilya niya,” ayon kay Muii.

Source: Mui Angon Velasquez

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post