Advertisement

Arci Munoz nagsimula ng magtraining para Philippine Air force


Sa kanyang instagram post, ibinahagi ng kapamilya aktress na si Arci Munoz ang mga larawan ng kanyang unang training sa Philippine Airforce.

Ayon kay Munoz, siya umano ang kaunanahang babae sa kanyang henerasyon na sumailalim sa Philippine Airforce Reservists BCMT- Basic Citizen Military Training.

Arci:

Maligayang Araw ng Kasarinlan mahal kong pilipinas! 🇵🇭 Ngayon araw din ang aking unang pisikal na pagsasanay bilang kaunaunahang Babae sa aking henerasyon at propesyon na sumasailalim sa #philippineairforce reservist BCMT- Basic Citizen Military Training. Hinihikayat ko po ang aking mga kapwa kababaihan na mag enlist. 🙂Marami pong salamat sa aking Philippine air force family. Asahan nyo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo. 


Post a Comment

0 Comments