![]() |
Photo CourtesyL: https://tinyurl.com/y8g2n7pf |
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktress na si Angel Locsin ang isang lumang larawan na may hawak na poster na kung saan nakasulat ang "Votes for Women".
Isa si Angel Locsin sa mga tumututol sa Anti-Terror Bill. Sa caption ng aktress ay nilagyan niya ito ng #JunkTerrorBill.
Sa comment section makikita ang sagutan nina Angel at netizen matapos sabihang terorrista ang aktress.
“Ikaw ang tunay na terrorista hindi mo na intindihan kung ano ang terror bill total supporter ka naman ng npa dpat doon ka sa SYRIA OR IRAQ nakatira kasi noon doon ang mga ka lahi mo” Ayon sa basher
Agad naman nagreact dito si Angel : “may problema po kayo sa muslim? Racist much?”
Gusto ng netizen na basahin umano nito ang nilalaman ng nasabing bill at sinagot ito nni Angel ng: ” i did. May access rin po ako like you 🙂 salamat”
Source: Showbiz Chicka
Post a Comment
Dont Forget to Leave a comment