Advertisement

Watch: Willie Revillame mamimigay ng house and lahat sa kanilang 5th anniversary

Magkaroon sana ng isang engrandeng 5th anniversary celebration ang show ni Willie Revillame na Wowowin ngayong May 10 peru malabo ng matuloy dahil sa Covid-19.

Inanunsyo ni Willie na mamimigay ito ng dalawang house and lot mula sa Lessandra.

Ayon kay Willie:

“Sa Sunday ho pala (May 10), especial day namin sa GMA 7. Mag-aanniversary po tayo. Five years na po ang Wowowin sa GMA 7.”

“So thank you very much GMA 7 sa tiwala at pagmamahal niyo po sa akin, sa amin staff, at siyempre sa ating mga kababayan. Ang bilis ng panahon, that was '5-10-15'. Ibig sabihin no'n, May 10, 2015 so sa Sunday po a-10 ng Mayo.” 

“Ito ho 'yung selebrasyon dapat na malaki, dapat gagawin sana sa Araneta Coliseum. Ito ho 'yung sinasabi ko sa inyo no'ng tayo ho ay nagte-taping pa ng Wowowin sa studio ng GMA, kaya lang may pagsubok sa buhay natin na dumating.”

 “Kasi may dalawang bahay ako e na ipinagkaloob ni Ma'am Cynthia Villar. Regalo 'yun sa akin para ipamigay sa anniversary o sa birthday ko. Naisipan ko po na siguro ito ang time na ibigay natin dahil anniversary.”

 “'Yon po ay Lessandra house and lot, this is the right time na mamigay tayo ng house and lot. Abangan niyo po papaano mananalo. Ito na yung time na 'yon. Hindilang isang libo, hindi lang 50 thousand, hindi lang 100 thousand, house and lot ang ibibigay sa inyo ng Wowowin Tutok to Win at siyempre ng GMA 7.”

 "At ni Ma'am Cynthia Villar and former senator Manny Villar. Ito po'y regalo nila sa akin noong ako'y humingi ng bahay. Nagbigay po silang dalawang bahay.”


Video Source: Wowowin

Post a Comment

0 Comments