Advertisement

Watch: Buntis, tinanggalan ng pinto at bubong dahil di nakabayad ng upa


 Viral ngayon sa social media ang video na kung saan tinanggalan ng pinto at bubong ang isang paupahang bahay sa Barangay 267 Caloocan dahil hindi umano nakabayad ang nakatira doon na isang buntis.

Sa kabila ito ng umiiral na batas na may grace period ang pagbayad ng renta sa gitna ng enhanced community quarantine dahil sa COVID19.


Kuwento ni Princess, nakatira sa nirerentahang bahay, pinaaalis na sila doon ng landlady dahil 2 buwan na silang walang bayad sa upa, na nagkakahalaga ng P2,500 kada buwan. Pati rice cooker, kinuha dahil ani landlady nito, kumokonsumo ito ng kuryente kahit hindi sila nakakabayad.

Depensa ni Princess, hindi sila makabayad dahil 2 buwan nang walang trabaho ang asawa na naipit sa Bulacan dahil sa lockdown.

Watch Video here: Ano masasabi niyo sa balitang ito?

Post a Comment

0 Comments