Advertisement

Matapos yanigin ng 5.4 na lindol, ilang gusali sa Aurora napinsala

Matapos yanigin ng 5.4 na lindol ang Aurora noong Sabado, ay napinsala ang bahagi ng gusali sa Provincial Disaster Risk Reduction Office sa nasabing lugar.

Ayon kay PDRRM Officer Elson Egargue, wala umanong nasaktang empleyado dahil agad nakalabas ang lahat nang yumanig.

“‘Yong design kasi ng building ang nag-cause ng debris, falling debris siya, parang dinikit na semento, ‘yon ‘yong bumagsak... minor lang naman siya, ang maganda walang nabagsakan,” 

Isinara rin ng pansamantala ang Supermarket sa Baler matapos itong makitaan ng pinsala ang kisame.

Nagsusuri na ang DPWH at Engineering Department ng lalawigan sa ibang estruktura gaya ng mga kalsada at tulay upang matiyak ang kung ligtas pang gamitin ang mga ito.

Post a Comment

0 Comments