Sa kanyang facebook post, ibinahagi ng GMA Head Writer na si Suzette Doctolero ang kanyang nagbabagong isyu tungkol sa ABS-CBN.

Basahin ang kanyang post:


Hmm, sensitibo pala ang issue na ito.  Kapag binigyan ng franchise (na sana ay bigyan agad) pero sana ay busisiing mabuti ang relasyon ng Abs sa sub nitong Big Dipper in terms ng paanong lugi ang abs pero may kinikita ang BIg Dipper pero dahil Peza registered kaya walang tax na binabayaran?   Technically Kami ay mas maliit na istasyon, at sabi nga ng mga pa woke na mema ay mga the who ang artista namin,  pero kumikita kami at nagbabayad ang kompanya ng mas malaking buwis.
Hindi ako nang uurot ha. 

Kapag kasi ‘di nabusisi, at inayos ng gobyerno ang ilang loophole sa pagbubuwis,  maraming gagayang kompanya dyan.  Maraming magkakaroon ng peza pa-approved subsidiery  hehehe..  chos!


Pero seryoso, ‘di lang ang abs ang dapat pakialaman pagdating sa mga subs na maaaring nagagamit para makatakas sa pagbabayad ng buwis.   Dapat lahat ng kompanya na may mga subsidiery ay icheck.  Baka biglang yumaman ang Pilipinas sa laki ng buwis at penalties na masisingil.  Hehehe.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post