Viral ngayon sa Social Media ang isang lalaki na nag-ngangalang Gab Sam matapos nitong tanggalin ang poster  na nakapaskil sa overpass sa tapat ng UP Town Center Katipunan na may nakasulat na OUSTDuterte.

Ayon kay Gab  tinanggal niya umano ito dahil ito ang sa tinggin niya ay tama, puro reklamo nalang umano ang kanyang nakikiya imbis na gumawa ng tama.


Ayon kay Gab sa kanyang Facebook Post:
Gusto ko lang ishare:

Kahapon habang nagdadrive ako pauwi from supermarket may nakita akong di kaaya aya sa overpass sa tapat ng UP Town Center Katipunan na #OUSTDuterte.

Syempre ginawa ko kung ano yung dapat. Tinanggal ko at tinapon ko sa basurahan yung walang kakwenta kwentang bagay at walang magandang hatid sa lahat ng makakakita. Di ko lang maintindihan kung san nanggagaling yung nagsulat at naglagay nun at nageffort pa na lumabas at suwayin ang utos ng gobyerno para lang gawin yun.
Di ba nya naisip na di solusyon ang pagpapatalsik sa Presidente natin sa kinakaharap natin na problema ngayon?
Kasi ang pagkakaalam ko PAGKAKAISA yung kailangan natin ngayon at TULUNGAN at hindi pagsisisihan o siraan!



Puro reklamo at puro paninisi nalang sa Gobyerno imbis gumawa ng tama! Kung may pagkukulang man sila naniniwala ako na di ito yung tamang panahon para isumbat yun sa kanila. Dahil walang nakakaalam at nakapaghanda sa problemang to kahit yung malalakaing bansa.

Kung di natin kayang irespeto si DU30 bilang Presidente, Irespeto nalang sana natin sya bilang nakakatanda na kailangan igalang gaya ng mga nakakatanda nating kamaganak!

Taas kamay sa mga BOBONG nagsasabi na pagpapatalsik kay DU30 ang solusyon sa problema natin ngayon! At sa mga puro reklamo na wala naman naitutulong!
Pakiunfriend nalang ako kung tingin mo MALI ako sa sinasabi ko at magkaiba tayo ng paniniwala at gusto mangyari!
P.S: Di po ako nagpapasikat or what! Sensya na kung magkaiba tayo ng paniniwala. Respetuhan nalang ✌👍🏻

Watch Video Here: Video Source:Gab Sam

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post