Viral ngayon sa social media ang mga Quarantine Violator sa San Fernando Pampangga na kung saan pinagtatanim ito ng mga gulay.

Sa facebook post ng CSFP City information Office, makikita ang mga larawan ng nagtatanim.

Caption ng nasabing Facebook post.

Sumailalim sa community service ang iilang Fernandinos na lumabag sa iilang alituntunin ng Enhanced Community Quarantine ngayong araw, April 18, 2020.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Paul Gamido, ang hepe ng San Fernando Police, nalabag ng mga ito ang direktiba sa curfew hours, mandatory wearing of face mask, at pagdadala ng home quarantine pass tuwing lalabas ng bahay.

Bilang parte ng programang “Rektang Gardening ng San Fernando PNP,” alinsunod sa adbokasiyang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Syudad San Fernando na hinihikayat ang mga Fernandino na magtanim sa kanilang bakuran ng mga gulay upang magkaroon ng food production kahit nakasailalim sa ECQ ay nakapaglinis at nakapagtanim ng iba’t-ibang uri ng gulay ang mga indibidwal sa City Nursery sa Barangay Lara.

Ang layunin ng programang ito ay maturuan ang mga Fernandino sa iba’t-ibang paraan ng pagtatanim upang maragdagan pa ang suplay ng pagkaing agrikultura sa Syudad, ngayong ito ay humaharap sa krisis dulot ng sakit na coronavirus disease o COVID-19.

Pinauwi na sa kani-kanilang tahanan ang mga ito ngunit babala ng kapulisan, maaaring arestuhin at humarap sa kasong Non-Cooperation and Disobedience na may kaukulang multa ang mga ito kung uulit sa nasabing paglabag.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post