Nagkasagutan sina Robin Padilla at Cavite Governor Jonvic Remulla sa Social Media dahil sa request si Gov. Jonvic kay Pangulong Duterte na isali ang mga Middle Class na Tax Payer sa Social Amelioration Program ng Gobyerno.



Ayon kay Robin:



Sir Governor alam ni mayor PRRD ang ginagawa niya hindi puedeng sabay sabay sa isang bagsakan dahil limitado rin ang resources ng bansa wala pa tayong collection ng tax dahil un ang inuna ng administration suspended ang pagbabayad ng TAX ng WORKING CLASS yun pagkasa ng pangulo sa mga oligarchs yun malinaw yun na para sa mga middle class pero ngayon sa pagharap natin sa digmaan laban sa kalaban na hindi nakikita ang mahirap at pinakamahihirap ang tatamaan nito ng bigtime PLAGUE ito governor kapag hindi naalagaan ang disiplina kapakanan at kalusugan ng mga mahihirap kapag hindi sila inuna expect death on a massive scale kaya po sir governor kung sakaling ipahintulot pa ng Panginoon na makabalik pa tayo sa dating mundo aasahan ko ang muli mong pagtindig at paglutang kapag kakasahan na muli ni mayor PRRD ang mga oligarchs dahil ang makapagbibigay lamang ng kaginhawaan sa buhay ng mga middle class ay ang tamang sueldo tamang benepisyo at tamang karapatan para sa mga manggggawa/middle class Yun hindi pagbayad ng kuryente at tubig sa buwan ng marso YUN PARA YUN SA MIDDLE CLASS in shaa Allah mangyari


Sagot naman ni Gov. Remulla:



“Idol binoe, pag pasensyahan mo na po ako sa aking tinaghaling kasagutan.  Buong araw po kami naghahanda para sa mass testing Ng mga aking kababayan sa Cavite kasama na rin Ang aming mga kapitbahay sa Laguna, Quezon, Batangas, at Rizal.  Inako na po ng aming lalawigan ang pasan ng pag laban sa Covid sa aming region 4-A.  Sa aming limang lalawigan ay halos 4,000 ang PUI, 300 ang positibo, halos 50 na ang namatay, at 19,000,000 na buhay ang na epektuhan.   

Araw gabi ay wala ng inisip ang mga kapwa ka-rehiyon ko kungdi, saan kukuha ng makakain, at paano makakaligtas sa Covid-19.

Nakakalungkot na minasama mo ang aking panawagan sa ating pangulo.  Pag nasa realidad na buhay ka ay durugo ang puso mo para sa mga nahihirapan.  Hinde po namin iniisip na makipagaway kahit kanino.  Wala pong Oligarch, wala pong mahirap, wala pong makapangyarihan sa mata ng Covid.  Ako lamang ay nagpanayam sa ating pangulo na baka sakali matugunan niya ang pangangailangan ng middle class.  Ngunit na ngayon ay may sinabi ka na parating na tax-break para sa naepektuhan ay luma laki ang pagasa na malulutas na ang problema ng karamihan.

Hinde po naman namin intensyon na makadagdag pa sa problema ng Pangulo.  Nasa balikat niya ang bigat ng problema ng lagpas isang daan milyon Pilipino.  Ngunit di ko rin naman kayang talikuran ang kahirapan sa aming mga lansangan.  Kailangan bigyan ng boses ang walang kakayahan pumasok ng malacanang.  Wala pong take-two sa krisis ng Covid.  Pag ikaw ay tinamaan ng matinde ay pack-up shooting na ang buhay mo.  Kaya araw-araw, solusyon na praktikal sa problemang radikal ang aming hinahanap.
Idol, di ko po kayo kaya sa larangan ng action.  Matanda na po ako at makunat na ang aking mga buto.  Sana po magtulungan na lang tayo.  Ako na bahala sa mga tao ko.  Ipaglalaban ko sila hanggang kamatayan.  But please don’t waste the people’s time by engaging in talk that does not help.  People are suffering.  They are hungry.  They are insecure about what the future brings.  The least we can do is to give them hope of surviving another day and give them the sincerity of service that they expect.  

I am one with the President as you are.  I serve at his pleasure and I am committed to the people of Cavite.”



 Ayon naman kay Robin: 
Sir Governor, Assalamu alaikum po naipadala po sa akin ang inyong post patungkol sa post ko kagabi nais ko lang po iparating sa inyo na wala akong kontra sa napakaganda ninyong sulat sanggayon ako sa lahat ng punto ninyo kayat sana po ay maintindihan niyo rin po ang aking opinyon bilang isang Pilipino na may kalayaan magsalita naniniwala po ako na dapat ang inyong liham na ito ay confidential pero ano pa po ba ang rason para pag usapan pa po natin nasagot na po ng ating Pangulo ang inyong public letter kaya mainam tumahimik na po tayo sa usapin na ito para makapagconcentrate na po tayo sa ating mga realidad our leader has spoken maraming salamat po sir governor.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post