Viral ngayon sa social media ang post ng rider na si Michael Villanueva nang hulihin siya ng traffic enforcer dahil sa angkas niyang nurse.

Ayon kay Michael, ihahatid niya ang hipag na isang medical frontliner nang hulihin sila sa Commonwealth, Quezon City dahil sa paglabag sa social distancing. Nagpaliwanag si Michael na nurse ang ihahatid niya dahil walang service sa kanilang lugar sa Tungko.

Pero binigyan pa rin siya ng violation ticket na P5,000.

Pinababa rin ang nurse at sinabing may service daw na magsasakay sa kanya. Pero matapos ang 30 minutes na paghihintay ay walang dumating na service kaya pinasakay ulit sa motor ni Michael at pinaalis. “Sige isakay mo na muna siya tutal natiketan ka na namin,” ayon umano sa MMDA enforcer.

Ligtas na naihatid ni Michael ang hipag pero problema nila ngayon kung paano babayaran ang violation ticket.


Narito ang post ni Michael:

MMDA: Bawal ang angkas hindi kayo sumusunod sa Social distancing

Me: Pasensya na po sir from near Tungko Bulacan area  wala pong dumadaang Shuttle service kung meron man bi2hira po at walang specific time para sa mga health workers kaya po nagagawa kong ihatid yung Sister in law ko sa Q.C hospital

MMDA: Akin na lisensya mo kaylangan ka nmen ticketan pwede mu to bayaran sa palawan or cebuana. 

Me: Sir Pasensya na po Kht Konting consideration lng po sna gusto ko lng din tulungan yung hipag ko para maayos kopo syang maihatid sa hospital.

MMDA:  Miss bumaba kana lng muna dyan isasakay kana lng namin sa Service

*after 30mins sa gitna ng init walang masakayan yung Hipag ko may dumaang bus na service pang frontliner pero hindi ito huminto nag decide po akong mag antay makasakay lng hipag ko pero hindi parin po sya nakasakay.

MMDA: Cge isakay muna lng muna sya tutal na ticketan kana namin.

*Ang Ending pinasakay din saken 😥with violation ticket and 5k na tubusin

- Pasensya na po kung wala akong ibang way para maka tulong sating Health worker pero sna This should be given an immediate attention lalu na po sa mga city mayor mabigyan nyu po sna sila ng exemptions or maayos na service na may sapat na oras karamihan po sa health workers natin hirap po pag papasok sa hospital Because all Health workers are not just going to work to earn money and to feed their family. But they come in to help us in terms of medical procedures, wherein we need more at this situation.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post