Personal na binisita ni Idol Raffy Tulfo kasami si Congresswoman Jocelyn ang isang 99-anyos na lola na si Maxima Gavino na taga Luna Isabela.

Binigyan ito ni Idol ng dalawang sako ng bigas, gatas, diaper at iba pang grocery items.

Basahin ang buong post ng Raffy Tulfo in Action Page

Dinalaw ni Idol Raffy at Congw Jocelyn si Lola Maxima Gavino, 99 years old ng Luna, Isabela para dalhan ng 2 sakong bigas,gatas, diaper at iba pang grocery items. Ang kita sa isang munting sari-sari store ang tanging ipinangtutustos kay lola ng anak niyang nagbabantay sa kanya — na halos wala ng laman ng datnan namin. Kaya malaking tulong ang mga handog ni Idol sa kanila.

Si Lolo Jose Magpayo, 95 years old, ng Luna, Isabela ay sinadya rin ni Idol at Congw Jocelyn matapos magtext ang isang concerned citizen para ipa abot ang kanyang kalagayan. Inabandona na raw si Lolo Jose ng ampon niyang dating nag-aalaga sa kanya at ang kanyang mga kapitbahay na lang daw ang mga nagtutulungan upang alagaan siya

.
At panghuli ay si Lola Romana Agpaoa, 86 years old ng Luna, Isabela. Dinalhan din siya ng dalawang sakong bigas, gatas at mga grocery items at mga gamot para sa kanyang maintenance.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post