Namahagi ng mga gulay noong biyernes santo galing Benguet ang magkaibigang Jaren Feliciano at Jessica Soriano sa kanilang mga kapitbahay at kalapit na barangay sa Marikina City na apektado ng enhanced community quarantine.

Ayon sa facebook post ni Jaren Feliciano:

Libreng gulay po para sa mga kapitbahay namin ngayong Biyernes Santo. Hindi niyo na po kailangan kumatok. Mahirap talaga sitwasyon natin ngayon. Pero sabi nga nila sinu sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayong magkakapitbahay. Kapag meron, i-share. 



Sa mga nabigyan ko po, walang anuman po. 

Sa mga hindi po inabot, alam kong sana all. Pasensya na po. Kapag meron po ulit.
Salamat po sa kaibigan ko na nagbigay. Sigurado ako chopseuy o sopas ang ulam ng lahat ng kapitbahay ko ngayon. Nagiging bonding ng pamilya namin ang magtulong tulong lagi sa pagrirepack. 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post