Viral ngayon ang isang guro kung saan nagorder siya ng Extra na Lechon manok sa grab  at ibinigay ito sa grab food driver.

Sa post ni Teacher Cha Calubaquib, makikita ang convo nila at nagpapasalat ang nasabing driver sa kanya dahil may pang-ulam na sila ng kanyang anak.

Dito niya nalamang single parent pala ang nasabing lalaki.

Post ng Teacher sa kanyang Facebook:

Today, out of all the other days, I’ve decided to have food delivered for the second time in this quarantine. Hindi ko kasi kaya yung hiya ko na magpapadeliver ako when all these frontliners are also risking their lives just to deliver food. So, naisip ko, kung magpapadeliver ako, gusto ko mapapakain ko din yung magdedeliver the same ng oorder ko.

So, today (ulit? Haha), naisip kong magpadeliver ng Baliwag para hanggang bukas ko ng ulam. I almost didnt order kasi nung una walang nagaaccept ng order ko. So tumigil ako. Pero, inisip ko, try ko ulit kung wala talaga hindi nako magpapadeliver. Eh may tumanggap :(( Si kuya Andrew. So, the moment na nabook ko siya as the rider, nagorder na talaga ako ng pang 4 (isa for me, isa for kuya, dalawa sa frontliners dito sa building ko.) Kaso walang kanin kasi di ako kumakain ng kanin ngayon (naks). 

Kung alam ko lang, binilihan ko na din siya ng kanin.

Pagdating ni Kuya Andrew, sabi ko “Boss kain na din po kayo ah.” Sabi ni Kuya A, “sakto nga po ma’am kasi gutom na ako. Iuuwi ko na sana sa bahay namin pero may iddeliver pa po ako tapos uwi na po ako may ulam na po kami.”

Naiiyak nanaman ako, (baba ng luha ko sa ganito). So ayun, nagulat ako nagmessage siya ulit (SCREENSHOT). Naiyak nanaman ako. Haha.

Tapos biglang may message ako sa Inbox ko nagsend si Kuya A ng picture nilang mag-aama followed by his selfie! 

KAHIT NAKAMASK, KITA MO YUNG SAYA.

Hagulgol nako? Haha. Lord, salamat po. Salamat po for making me Your instrument today to help somebody in need.✨ Thank You, Lord. Alam ko po, ikaw yan ❤️❤️❤️

Bago ko i-post yun picture, tinanong ko siya kung pwede ko i-post shempre (the Teacher in me haha) sabi niya,

“Opo ma’am! Sayang po wala tayong picture.” 😭




Photo Courtesy on Facebook: Cha Calubaquib

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post