Nanawagan ngayon ng tulong ang mga Construction Worker sa Brgy. 848 1113 T. San Luis St., Pandacan, Metro Manila dahil nastuck sila sa kanilang barracks dahil sa Community Quarantine.

Naubusan na umano sila ng supplies lalo na sa pagkain. Sinubukan rin umano nila humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan ng Pandacan peru tinanggihan sila dahil hindi umano sila Botante.


Ayon sa nagpost:
Sa mga kinauukulan,
Kami po ay nananawagan para sa mga construction workers at nais po naming makaabot sa mga kinauukulan ang kanilang kalagayan ngayon doon sa Brgy. 848 1113 T. San Luis St., Pandacan, Metro Manila. Na-stuck sila sa kanilang barracks at nauubusan na ng mga supplies, lalo na ng pagkain. Sa bilang nilang higit isang daan ay kahit pa sobrang pagtitipid ay hindi na ito aabutin sa pagtatapos mg Enhanced Community Quarantine.

Sinubukan nilang lumapit sa lokal na pamalahaan ngunit dahil hindi sila doon mga botante ay isinantabi ang pangangailangan ng mga manggagawang ito. Nais po naming ipaabot ang kinahitnatnan ng mga workers doon na dahil sa lockdown ay wala na silang kita, wala pa silang makain.

Nananawagan po kami sa lokal na pamahalaan ng Pandacan Maynila at sa mga kababayan nating may kakayahang tumulong ng kahit katiting na pagmamalasakit sa kapwa natin manggagawang Pilipino. Magtulungan po tayo sa gitna ng krisis na ito.
Photos Source on Facebook: Artemio Dagta Montalban

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post