Emosyonal ang aktress na si Yassi Presman sa kanyang instagram post matapos ipagpaliban muna ang Ang Probinsyano sa Primetime bida ng ABSCBN.

Ito ay dahil sa banta ng COVID-19 at pansamantala muna silang mamahinga sa kanilang taping.


Yassi:
Nakakalungkot po pero pansamantala hindi po muna namin kayo makakasama gabi-gabi mga Kapamilya, tiniyak po ng ABS-CBN ang kaligtasan po naming lahat sa araw-araw na pagtratrabaho sa taping, kaya po minabuti na kami ay magpahinga po muna panandali. Lagi pa ring nanjaan ang network na mahal po natin na patuloy na magbibigay ng balita at mga update sa atin. Sa primetime naman po, sabay-sabay nating panuorin muli ang mga palabas na minahal na po natin noon, at mga bagong ipapalabas na siguradong mamahalin din po natin. Patuloy po naming ipagdarasal ang kaligtasan ng lahat at babalik din po agad kami, ng kasama si Cardo. Mag-ingat po sana ang lahat sa #CoVid

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post