Isang di nagpakilalang guro ang nagpadala ng isang open letter para sa komedyante at host ng Showtime na si Vice Ganda.

Ayon sa guro, natatakot umano siya bilang isang guro sa kahinatnan kung magpapatuloy ang style ni Vice sa pagpapatawa.

Basahin ang kabuuang letter ng teacher kay Vice:


“To Vice Ganda:

Vice, natatakot ako.
Natatakot ako bilang isang guro at bilang isang pilipino.



Natatakot ako sa kahihinatnan ng pagpapatuloy ng iyong impluwensiya sa industriya lalo na ang istilo ng iyong pagpapatawa.

Batid kong wala akong karapatang manghusga sayo o isisi sayo ito ngunit batid din nating lahat na anlaki ng naging impluwensiya mo rito.
Bilangin mo kung ilan ng kabataan ngayon ang naimpluwensyahan mong mambara, mambully at mang asar ng kapwa.
Nakakakilabot.

Ngayon ko lang mapagtanto:
SA PANANDALIANG ALIW NA IYONG NAIBIBIGAY AY KAPALIT PALA ANG PANGMATAGALANG PAGBABAGO NG KULTURA AT ASAL NG KABATAANG PILIPINO. Hindi pala siya masaya. Hindi pala siya makatao. Dalangin ko'y ito'y mabago. Hangad namin maibalik ang malinis at may respetong pagpapasaya ng tao. Isa akong guro at hindi ko na masikmura pa kung ito pa'y magpapatuloy.”

Source: 911 Philippines Supporters | Facebook


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post