May hiling at pakiusap  ang  Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda may kaugnayan sa  kinakaharap na kalamidad ng bansa dahil sa COVID19.

"Wag tayong mag away away. Lalong lalo na sa panahong ito.  Di makakatulong. Wag tayong magsalita na parang tayo lang ang tama, ang matalino at magaling. Wag tayong umasta na parang tayo lang ang may pagmamahal at malasakit sa kapwa, sa bayan at sa mundo.

Sa oras na to naniniwala ako na lhat tayo ay pareho lang ang intensyon. Yun ay ang makaraos at makatulong sa sitwasyon kahit papaano. SADYANG MAGKAKAIBA LANG TAYO NG MGA PARAAN AT ATAKE. Lahat tayo ay nagdadasal na matapos na ang krisis na ito. 

Hindi lang sa mga ‘walang makakain’  tayo dapat may compassion. Dapat sa lahat. OO SA LAHAT. Pati sa mga pinaparatangan nating walang compassion. Pahabain natin ang pang unawa sa isat isa. The more na nagagalit tyo mas humihina ang ating immune system.  CALMNESS IS STRENGTH.  

CEASEFIRE muna tayo sa patalinuhan at pabobohan.  Kahit mawala ang virus kung magpapatayan naman tayo e wala ring makakasurvive.  Hingang malalim.  Gawing donasyon ang PANG UNAWA.  GOD BLESS EVERYBODY. This too shall pass."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post