Kamakailan lang ay naging guest ang beteranong aktor na si Ian Veneracion sa morning talkshow ng Kapamilya network na Magandang Buhay.

Sa interview, inalala ng aktor ang pag-amin ng kanyang babaeng anak na gusto raw nito ay babae.

Ayon kay Ian:

"Kinukulit ko 'yung mga motor ko, dumating siya, medyo teary eyed. Sabi niya 'Daddy, I have to tell you something.' Sabi ko, 'What? Sit down.' Sabi niya, 'I like girls.' Tapos sabi ko sa kanya, 'Me also I like girls.' So parang nagtataka siya, sabi niya, 'It's okay?' Sabi ko, 'Yes. Just don't be ever apologetic about it, not even to me.' Sabi ko, 'You can be whoever you want to be and I have full support. Natawa siya. Sabi niya, 'You know?' Sabi ko, 'Oo naman, bata ka pa ang macho mo na.' So alam ko na dati.



Nakakapanghinayang lang isa lang ang buhay natin. Tapos kapag nabuhay ka parang apologetic ka pa na nahihiya ka sa sarili mo, hindi mo mailabas ang pagkatao mo. Parang what a waste of life. Eventually sinabi ko sa kanya (sa asawa ko). Sabi ko sa kanya, 'Paano kapag nagka-boyfriend si Dids, okay lang?' Okay lang. Paano kung magka-girlfriend si Dids, okay lang?' Sabi niya, Kung saan siya masaya, masaya ako. So she has full support of the whole family." 

WATCH Video here:
Video source: ABSCBN Entertainment


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post