Nagluluksa ngayon ang pamilya ni Jovit Baldivino matapos pumanaw ang kanyang nakababatang kapatid.


Ibinahagi niya ang isang nakakalungkot na balita sa kanyang Facebook Account.

Ayon sa post ni Jovit:
Paalam Mahal kong Kapatid/Bunso,, sobrang lungkot nang kuya mo!! Grabe!! Sa ilang taon na nakasama at nakapiling ka namin hinding hindi ka mawawala sa isip at puso namin nang mga kapatid/mama/papa/pamangkin/atejanet/akeya/zody/daniel/mika at mga tunay na kamaganak at tunay na kaibigan mo at sa lahat nang taong nagmamahal sa pamilya natin, miss na miss na kita!! Wala akong magawa utoy 😭😭 eh, sobrang sakit pero kakayanin namin eto utoy sana lagi kang masaya kung asan ka man ngayon! Lagi mo sana kaming gagabayan nang Pamilya mo! Ang mahal nating panginoon na ang bahala sa ating lahat utoy ko. Alam namin na masaya kana dyan at walang problema gabayan mo na lang kami nang pamilya mo sa pang araw araw na buhay namin,.


Hanggang sa Muli mahal kong kapatid ang nagiisang Bunso namin JUSTINE/BUTCHUKOY. Mahal na mahal kita at nang buong pamilya natin, Paalam bunso namin,, Alam kong Magkikita pa tayo ulit,, mahal na mahal ka nang kuya bundoy/Jovit mong teacher  sa lahat nang bagay, hayaan mo mas pagbubutihan ko pa itong trabaho ko para sa pamilya natin, iloveyou bunso Hanggang sa Muli, Mamimiss ka naming lahat!!

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post