Binatikos ng mga netizen ang dating broadcaster na si Jay Sonza dahil sa kanyang mga akusasyon laban Kim Chiu.

Matatandaang sinabi ni Sonza na isang malaking drawin lang ang nangyaring ambush sa sinasakyang van ni Kim Chiu.

Maraming netizen ang nagalit sa sinabi na iyon ni Sonza at hangad na mga netizen na sana siya nalang ang na-ambush.

Sa isang Facebook post, sinagot ni Sonza ang mga netizen.

Para doon sa mga naghangad at nagdasal na mamatay na sana ako via twitter kagabi, here is my message to you:

Sige mauna na po muna kayo. busy pa kasi po ako. siguro pag naubos na kayo, maaring pag-iisipan ko susunod ako.

Salamat po at pinagkaabalahan pala ninyo ako kagabi. Hindi ko napansin kasi sarap ng tulog ko dahil maulan at saka nakadobol ako ng cognac bago nahiga. Dalangin ko yumaman at gumanda sana ang araw ninyo.
Image Courtesy: Jay Sonza on Facebook 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post