Namahagi ng pagkain at sanitary item ang sikat na fliptop artist na si Loonie sa mga trycicle driver sa kanilang na naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sa Covid-19.

Post ni Lonnie sa kanyang Facebook page:

Gaano man kahirap ang buhay natin ngayon, kayanin pa rin nating magbigay.

Madami ang tumulong at patuloy na tumutulong sakin, kaya gusto ko ibahagi ang pagmamahal nila sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.

Isa ang mga tricycle drivers sa mga daily-wage earners na sobrang apektado ng krisis ngayon. Marami pa ang nangangailangan ng tulong natin. Mag umpisa tayo sa ating sariling komunidad. Kapit lang! 🇵🇭

Image Courtesy: Loonie on Facebook 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post