Ibinahagi ng actor na si Robin Padilla ang kanyang mga saloobin ukol sa Franchise renewal ng ABSCBN.


Sa kanyang deleted FB post, sinabi ni Robin na no one is above or below the Law and that Justice is always  prevail.

Narito ang deleted post ni Robin:

“No man is above the law and no man is below it.
“Mayaman o ­mahirap may kapangyarihan o wala sikat man o hindi ang lahat dapat ay pantay-pantay sa harap ng batas dahil ang hustisya ay walang tinitingnan o tinititigan ang mali ay mali at ang tama ay tama walang maybe o exempted ang lahat ay mananagot kapag ­lumabag sa batas.
“Panay na nga ang labag natin sa batas ng Diyos napakapambihira naman kung pati batas ng tao ay lalabag pa rin tayo. Anong klase na tayong tao at lahi,


Matapos niyang idelete ang nasabing post nagpost ulit si Robin para ipaliwanag sa mga basher ang kanyang negative na sinabi tungkol sa kanyang istasyon.

Narito ang post ni Robin:


“God is great!!! Sabi daw ng netizens Nilaglag ko daw ang network ko wow!

“Mga kababayan kahit na sino kahit kaibigan ko kapatid ko kapamilya ko at kamag anak ko kapag lumabag ka sa batas dapat kang magbayad sa batas dahil ako nagbayad ako ng tatlong taon sa loob ng Kulungan/Piitan/Bilibid dahil nagbayad ako sa kasalanan ko.

“Ano bang kinakatakot natin para sa ABSCBN? may pagkakasala ba talaga sila sa batas ? Ako ay may tiwala sa BATAS dahil naranasan ko ang talim at lambing ng BATAS sa buhay ko kaya ko sinasabi na dapat umiral ang BATAS dahil ang batas ang proteksyon ng lahat ng Pilipino mayaman man o mahirap no one is above the law and under it kaya kung wala silang kasalanan it will be their glory and pride so let them fight it in our courts

“Let the truth prevail wag tayong maging spoiler parang teleserye lang yan na pinanonood niyo abangan niyo ang mga revelation ayaw niyo ba malaman ang katotohanan?

“Inalis ko na rin ang mga post ko kahapon sa instagram at fb about the legal issue of Abscbn not the franchise issue bilang respeto ko sa asawa ko na si mariel she said to me im a kapamilya forever at sinabihan din ako ni kuya ipe salvador na magrelax at tumahimik dahil walang alam si mayor PRRD sa hakbang ng solgen kaya balik na lang ako sa aking journey towards spirituality. Peace be with you all may the wisdom and blessings of our only God be with those who are neglected weak and poor in shaa Allah,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post