Sa isang interview kay Maja Salvador na ginawa ng media matapos ang kanyang recent Guitar Apparel Event, ibinunyag ni Maja na nagkatuwaan lang umano sila sa isang farewell party ng The Killer Bride.


Ayon kay Maja:

Kung ano man ang lumabas no'ng time na 'yon, we’re just having fun. Siyempre masaya kami dahil ang daming nagsuporta sa show namin,”
 Ang tinutukoy ni Maja na video ay ang nagviral na video nila sa isang party na kung saan tinutukso niya si Joshua at Janella na makikitang sobrang sweet ng dalawa at kinantahan pa ni Joshua si Janella.


Sabi ni Maja:
Nagsaya lang kami nang gabing 'yon, so kung meron mang lumabas na videos, siyempre mauunahan ng malisya, but lahat kami friends. Alam naman ng dalawa na fan ako no'ng dalawa. Bilang siyempre si Camila,”

Nilinaw din ni Maja na sina Joshua at Janella ay magkaibigan lang.

In fairness do'n sa dalawa, malalim talaga 'yung friendship na kahit anong pagtutukso mo, wala. Then siguro no'ng party namin, maghihiwalay na, wala na kaming taping, so may extra sweetness. Pero hanggang do'n lang,”



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post