Sinurpresa ni Ogie Diaz ang kanyang mga tagahanga sa bago niyang rebelasyon sa kanyang social media account.


Ibinahagi niya sa kanyang Facebook account na siya na umano ang manager at handler ni Raffy Tulfo.

Post ni Ogie sa kanyang facebook:

“Simula sa araw na ito, Feb 17, 2020...
“Ako na po ang MANAGER/HANDLER ni Idol Ng Bayan Sir Raffy Tulfo for endorsements and other promo campaigns na need ang serbisyo ni Idol.
“Salamat po sa tiwala, Sir Raffy! At sa nagrekomenda, Ate Cristy Fermin. And i feel the preysure right now.

“PS.... yung Raffy Tulfo In Action po ay sa kanyang magigiting na staff po, hindi po sa akin. Sa mga may reklamo at gustong humingi ng tulong sa kanyang programa, diretso na lamang po kayo sa tv5 po at may pila naman po doon. Salamat po.
 “Kaya yung mga may utang sa akin, bayaran nyo na ako. Or else,”

Source: Ogie Diaz pn Facebook 




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post