Talagang pinag-usapan sa online world ang post ni Robin Padilla laban sa ABSCBN.


Matatandaang nagkasagutan din sila ng Head Executive ng ABSCBN na si Ethel Espiritu.

Sa isang instagram post, inilahad ni Lolit Solis ang kanyang mga saloobin ukol sa mga post ni Robin sa Social Media.

Post ni Lolit.

View this post on Instagram

Ewan ko kung bakit ang daming hugot ni Robin Padilla sa mga nagaganap ngayon balita tungkol sa renewal ng franchise ng ABS-CBN. Sa halip makatulong parang lalo pang gumugulo ang issues, na pati ibang istasyon, isinasali na niya. Kung anuman saloobin niya, ilatag niya ng maayos, sabihin niyang direct to the point, at huwag na iyong paligoy-ligoy. Gusto niya maayos ang sitwasyon pero parang ang dami pa niyang issues na binubuksan. Sabi nga dapat maliwanag posisyon mo, nasa left ka ba o right, hindi puwede na pa safe na nasa gitna dahil mas ikaw ang masasagasaan, dapat meron kang side na kakampihan, at maliwanag dapat iyon. Gusto ba niya masara o hindi? Iyon lang, huwag na dagdagan pa ng issue na magkano kontrata ng artista, maayos ba lagay ng ibang tauhan, naging fair ba? Ayusin muna ang problema saka ipasok iyon iba pang dapat ayusin. Maganda points mo Robin, pero ngayon, iba ang inaayos, iyon muna ang tingnan mo, huwag iyon iba pang problema. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

View this post on Instagram

Alam mo ba Salve na follower ko sa IG si Ethel Espiritu na nasa limelight ngayon dahil sa sinagot niya ang mga hugot ni Robin Padilla? At naalala mo ba Salve na kasabay natin sa Malaysia si SolGen Calida na man of the hour ngayon sa franchise renewal ng ABS? Small world talaga. Tutoo naman iyon mga sagot ni Ethel sa mga sinasabi ni Robin, iyon issue renewal bakit bigla ilalabas mo complain tungkol sa labor? Matagal na pala iyon kinikimkim niyang sama ng loob bakit ngayon niya lang inilabas? So imagine na si Ethel Espiritu ay isang tahimik na babae, at very competent sa kanyang trabaho, nabigla nga ako na siya ang sumagot kay Robin. Hah hah meron pala itinatagong tapang ang mabait na si Ethel. Bongga. Si SolGen Calida naman, very simple nun kasabay natin sa biyahe. Katuwa nga na ng nandun siya sa room ni champ Manny Pacquiao nasa isang sulok lang siya. Hindi mo kakikitaan ng anuman show of force sa posisyon niya, hindi siguro napansin ni PatP hah hah, sana nun pa nilambing na ni PatP para hindi nag file ng quo warranto, joke joke. Hay naku, small world talaga kaya tama si Ethel, dapat may sense ang anuman discussion at please lang, iyon issue ang pag usapan, hindi iyon magdaragdag pa ng iba pang problema na wala sa agenda. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post