Naglabas ng kanyang opinion si Lolit Solis ukol sa kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ayon kay Lolit, naawa umano siya sa ina ni Sarah na si Mommy Devine matapos niyang marinig ang kwento ng body guard na nagsumbong kay Raffy Tulfo.


Ayon kay Lolit:
Na-sad naman ako Salve ng makinig ako ng radyo kay Papa Raffy Tulfo kahapon kung saan humingi ng tulong iyon bodyguard ni Sarah Geronimo. Parang naawa ako sa naging sitwasyon ni Mommy Divine lalo na ng sabihin ng bodyguard na kamuntik na itong saktan ng father ni Matteo Guidecilli dahil nga 'nagwawala' ito sa nakita na halos lahat ng miyembro ng pamilya ang nanduon at wala kahit isa sa pamilya ni Sarah.

Iyak daw ng iyak, at sigaw ng sigaw si Mommy Divine habang pinipigil ni Sarah. Parang naramdaman ko naman iyon feeling ni Mommy Divine. At parang na visualize ko kung paano ka-tense sa loob ng kuwartong iyon sa Shangrila the Fort kung saan naganap ang lahat. Dumaan pala sila sa Victory Church bago tumuloy sa Shang kaya either sa Victory Church o Shang naganap ang kasal.

Siguro nga ang sakit ng loob ng ina ni Sarah ng mga oras na iyon. Pero tulad ng iba, alam ko na ang ending nito magkakasundo din ang lahat. Matatanggap din ni Mommy Divine ang desisyon ni Sarah, at maiintindihan din nila Matteo at Sarah ang nararamdaman ni Mommy Divine at Daddy Delfin.

Sana it will end well dahil pangarap naman ng lahat ang happiness nila Sarah at Matteo. Mabuhay ang bagong kasal. Relax ka na mommy Divine. Lahat tayo maging happy for the newlywed.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post