Lalong umiinit ngayon an sagutan ng ABSCBN head executive at sa action starbna si Robin Padilla. 

Sa aming nakaraang report nagbigay ng kanyang pahayag si Ethel Espiritu ukol sa mga sinabi ni Robin Padilla sa ABSCBN.


Basahin ang buong post ni Robin galing sa kanyang facebook post. 

God is great! Mam Sa lahat ng mas nakakakilala sa akin sa buong showbiz world lalo sa mga taga abs cbn batid nila ang aking pagtulong sa mga empleado nito lalo sa pangbili ng gamot , libing ng patay, utang na hindi mabayaran, papaopera ng anak na may butas sa puso etc etc Mam ethel pakitanong mo sa set ng sana dalawa ang puso kung sino ang kausap ko sa tent patungkol sa working conditions ng non regular employees ng abscbn walang iba kundi si mam gina lopez mahigit isang oras kami nag usap pati ang patungkol sa housing ng mga non regular employees.

At sayo mam rocky ubana batid ba ng mga boss mo sa abscbn na ikaw mismo sa panahon ko ay sub contractor ng tent? Magkano ang sueldo mo sa tao? Minimum ba? May overtime ba? Registrado ba yun agency mo? Alam ba ng Dole na may mga laborer ka na nagpupuyat at walang working hours? Ano ang mga benepisyo? Ang dahilan kung bakit ngayon ito dapat pag usapan dahil magrenew ng franchise ang abscbn ito ang tamang oras para magpakumbaba ang management sa kaniyang mga trabahador at makinig sa hinaing ng mga tao sa ground. Ganon po talaga mga mam ang negosasyon sa mga multi billion companies na may labor issue hindi ko naman po yan imbento may mga kaso po sa korte patungkol sa mga empleado ng abscbn at patungkol naman sa mga artista na kamag anak ko maraming salamat po sa trabaho na naibigay niyo sa kanila Praise God pero hindi po sila ako at ako ay hindi sila may sarili silang mga isip at buhay they can join you in bashing me its their right.



I will be forever thankful to abscbn and to the people who really know me. Ang issue dito ay franchise at labor yun ang harapin natin wag natin daanin sa drama i already apologized pero kung gusto niyo pa walang problema sa akin we can run the whole marathon.

Source Robin Padilla Facebook Page




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post