Busy si Joshua Garcia ngayon dahil sa shooting ng panibago niyang horror film na Ang mga Kaibigan ni Mama Susan na nakabase sa novel ni Bob Ong.


Sa kakatapos lang na story conference ng nasabing pelikula (February 10) nakilala ni Joshua ang mga makakasama niya sa pelikula lalo na ang gaganap bilang Susan na si Angie Ferro.

Sabi ni Joshua:
“Naririnig ko na siya dati pa na magaling  talaga siyang artista, pero nung nakita ko siya sa storycon lalo akong humanga sa kanya,  kasi di ba, sa edad niya, nagtatrabaho pa rinsiya. Wala lang, sobra lang akong bumilib,”

 Excited din umano ang aktor na magkakaroon siya ng bagong kaibigan sa set.



“Oo naman, yon ang masarap kapag may mgabagong project, may bago ka ring nakakatrabaho at nagiging kaibigan,”

 Bukod sa horror film ni Joshua, may project din umano siya sa IWant.

 “Kung ano kasi yung pumapasok na project tanggap lang nang tanggap, di ba? Nagiging happy lang ako kasi siyempre iba’t ibang genre yung nabibigay sa akin. At least nagagawa ko lahat. Nagiging flexible ako as an actor."

 Natatawa at pabiro niyang tugon,
“Mas okey yung maraming work kasi hindi ka magugutom. At saka mas okey yung may ginagawa ka kesa wala kang ginagawa. Parang pag-artista, mas okey na pinagkakaguluhan ka kesa hindi ka pinagkakaguluhan.”

Tinong siya nang push kung kailan siya magka love life ulit, sagot niya:
“Ako, hindi ko masabi yan. Open naman kasi ako sa kung anong pumasok. Kasi ayoko ring magsalita ng tapos,  alam mo naman ako -- marupok, ”

Dagdag pa ng aktor:
 “Ayoko namang magsalita ng tapos na, ‘Hindi, focus muna ako sa career.’ Kasi siyempre hindi mo masabi yung tatakbuhin ng taon sa akin. Malay mo may makilala akong magpapasaya sa akin,”

Source: Push

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post