Naging emosyonal amg tv host na si Boy Abunda sa kanyang late night show na Tonight With Boy Abunda ng pag-usapan ang tungkol sa posibling pagpasarado ng ABSCBN.


Ayon sa kapamilya host, hindi umano lumabag sa batas ang nasabing network at sila umano ay lalaban professionally nd legally.

Pahayag ni Boy Abunda:

“Tuwing tinatanong ako ng nanay ko ukol sa problema sa prangkisa ng ABS-CBN, I’ve worked here for over 20 years. 

“Sinasabi ng nanay, ‘sana, huwag ipasara ang ABS-CBN kasi kapag wala ka sa bahay, ito ang kasama ko at alam ko na nariyan ka. “This is very personal. Para sa aking ina, pag nakikita niya ang ABS-CBN, alam niyang safe ako, andiyan ako, nagtatrabaho ako at uuwi ako sa kanya…


“Pag tinatanong ako ni nanay, ‘Boy, pag nawala ang ABS-CBN, anong gagawin mo?’ “Wala hong ginawang masama ang ABS-CBN, ilalaban ho natin ito nang maayos. We’ll continue to do what is right,”


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post