Nagpost si Lolit Solis sa kanyang instagram tungkol sa hindi umano pagbayad ni Kisses Delavin sa mga damages ng condo unit sa anak ni Lorna Tolentino na si Rap Fernadez.
Ayon kay Lolit,
 “Ayaw ko sana isulat ito Salve pero nag-request si Rap Fernandez dahil hindi na daw niya ma-contact si Kisses Delavin. Iyon kasi unit sa Imperial sa Morato ang matagal na inupahan nila Kisses before na pag-aari ni Lorna Tolentino na ibinigay na niya kay Rap. So ang kausap nila Kisses nang rentahan ang unit, si Rap. Nagkaroon nga ng 'konting' aksidente ng pumutok ang valve ng tubig, umagos at nagbaha na naging dahilan para ma-short circuit ang elevator na kaya one month wala iyon 1 elevator ng Imperial. 

“Siyempre umalis sila Kisses, so ang siningil ng management sa repairs si Rap na Ok lang dahil meron naman deposit sila Kisses. Ang problema, iyon deposito stop payment na so ang laki ng abono ni Rap, eh ayaw na sagutin nila Kisses ang tawag sa phone para ma-clear sana ang mga dapat na obligasyon. Ayaw ko naman si Rams David ang singilin ni Rap, so sana mabasa ito nila Kisses Delavin para magkaayos sila sa mga dapat ayusin. Mabuti na iyon, para pag nagkita sila ni Lorna Tolentino hindi ang kontrabida na si Lily ang maging peg kundi ang grandslam queen na si LT, hah hah joke joke,”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post