Mabilis nagviral ang picture ni Julia Montes sa isang supernarket na kung saan makikitang nakioagpicture siya ng kanyang mga fan.

Maraming netizen ang natuwa dahil muli na naman nilang nakita ang kanilang namimiss na idolo.


Source: Kapamilya Online World

Dahil sa kumakalat na photo ni Julia, agad na nagbigay ng kanyang honest opinion si Lolit Solis. 


"Maganda naman news Salve na nakikita na daw si Julia Montes sa public. Isang sign na siguro handa na siya na bumalik uli sa showbiz. Marami ang excited, natuwa, dahil kahit ano naman sabihin natin isa pa rin sa mahusay natin artista si Julia.
 "Pag nakikita mo nga si Kathryn Bernardo na active na active, mami-miss mo na wala si Julia Montes. Sayang dahil silang dalawa ang contemporaries noon at dapat sana ay magkasama pa rin humahataw. 

"Kung anuman hindi naman responsibilidad ni Julia na sagutin ang anuman issue, kailangan lang ipakita niya sa lahat ang happiness niya dahil kung saan siya maligaya iyon ang mahalaga. Ang commitment niya sa sarili niya, be happy, ipakita mo na happy ka at happy din kami for you," Lolit wrote.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post