Sa wakas ay humarap na sa camera ang aktress na si Julia Barretto matapos ang controbersiyal na post niya sa kanyang instagram. 

Matatandaan na naging usap-usap sa online world ang pangcheat di umano nina Julia at Gerald kay Bea Alonzo na naging sanhi ng hiwalayang Gerald at Bea.

Nitong huwebes August 22 2019 humarap ang actress sa isang interview ng ABSCBN newscaster na si MJ Felipe para tapusin na ang isyu tungkol sa ugnayan nila ni Gerald. 

Ayon sa aktress wala silang relasyon ni Gerald at sila ay magkaibigan lamang. 

JULIA:

Tapusin na lang natin ‘to. Let’s clear this whole issue, so we can put this whole issue to rest. Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas, at wala din akong nilandi. 

Hindi ako nililigawan. Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan. Pero nanatili siyang matalik kong kaibigan ngayon.
 

Ayon pa kay Julia, naapektuhan na daw ang kanyang pamilya kaya gusto na niyang nag move-on sa naturang isyu.
Right now, I think I’m in the process of healing and moving forward from everything that happened in the past month, because hindi biro ‘yung pinagdaanan naming lahat,” 

“Hindi biro ‘yung pinagdaanan ko, ng pamilya ko, ng pamilya naming lahat


Source: ABSCBN NEWS

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post