Sa isang instagram account ni Judy Ann Santos ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa mga cast crew at staff ng Ang Probinsyano.

Juday:
Maraming salamat sa bumubuo ng #FPJAP , mula sa crew,staff and cast.. thank you so much for the very warm welcome from the first till my last taping day.. naramdaman ko kung gaano nyo kamahal ang programang bumuo sa pamilya ninyo. Salamat sa opportunity na mapabilang sa pamilya ninyo.. na mayakap at makakwentuhan ang mga tinuring kong tatay tatayan sa industriya, ang makasama uli ang nag iisang reyna ng pelikulang pilipino, makatrabaho uli ang mga staff and crew na nakasama ko noon.. ang sarap sa pakiramdam.. to my dreamscape family, thank you for trusting me to play a charcter with multiple personality disorder.. hindi sya madali ah. (Ilang gabi akong hindi makatulog kakaisip kung kaya ko ba to at kung paano ko to gagawin.) i took on the challenge, inakap ko ng buong puso para makatulong magbigay ng karagdagang impormasyon sa mga ganitong klaseng cases ng mental health problem, sana sa maiksing pagganap ko, sama sama nating tulungan ang mga taong may pinagdadaanan sa ganitong klaseng aspeto.. let’s not judge, instead we listen and help.. sa mga loyal viewers ng #FPJAP maraming maraming salamat sa buong puso ninyong pagtanggap kila jane/lovely/maureen at kuya.. it was truly a wonderful journey.. mabuhay kayong lahat. Jane/lovely/maureen/ kuya Signing off... ❤️❤️

Nagpapasalamat din  si Juday kay Coco Martin dahil sa tiwala nito na maging parte siya sa ang Probinsyano.

Juday:
Salamat @mr.cocomartin for the chance and trust you have given me.. your passion and love for your craft is undeniable.. kahit tawa ka ng tawa sa mga eksena natin, nakita ko kung gaano ka importante sayo ang trabaho mo at pamilya mo. Sana nabigyang buhay ko ang papel na binigay mo sa akin.. till our next project.. sana by then na experience mo ng makapagpahinga at enjoyin ang mga naipundar mo. 😉 bilang ate ng 4 na linggo sayo, masaya ko at proud ako sayo.. ❤️❤️ maraming salamat Cardo Dalisay..


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post