Sinuportahan ni Gretchen Barretto ang aktres na si Bea Alonzo matapos maglabas ng pahayag ang kanyang pamangking si Julia Barretto dahil sa pagkaladkad sa kontrobersyal na isyu ng break-up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.


Isang netizen ang nag-repost sa pahayag ni Julia at isa pang netizen na nag-tag kay Gretchen sa nasabing post.


Reply ni Gretchen, “Team Bea for the win!”

“The fact that they hired a ghost writer for this post is hilarious & makes her sound desperate to salvage whatever is left,” dagdag pa niya.


Matatandaan na nagbigay na ng suporta si Gretchen para sa kanyang dating Magkaribal co-star sa pamamagitan ng pagpapadala niya at si Claudine ng mga bulaklak kay Bea nang kumalat ang mga balita sa internet.







Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post