Masaya ang actress na si Kathryn Bernardo ng ibinahagi niya sa magandang buhay ang plano niyang pagpapatayo ng kanyang dream house at sabi din ng actress na tatlong taon na niyang nabili ang loteng pagtatayuan nito.


Pahayag ni Kathryn:
"Dream ko talaga na mapatayo yung dream house namin nila mama. Pero hindi kasi joke yung gagastusin, ang daming priorities. So patagal na siya nang patagal, bago masimulan," .
"Last week, doon ko lang sinurprise sila Papa, dun lang namin pinakita na may nabili kaming lote... Alam ko, gusto rin ni mama na mapatayo na yung dream house na 'yon. So sana, this year masimulan," Dagdag pa ng actress.

Sobrang happy si Kathryn sa estado ng kanyang buhay ngayon, sa work man o sa love life.

Dagdag pa ng actress:
"Feeling ko kasi after ko gawin itong Hello, Love, Goodbye, mas nabuo ako. Hinayaan ako na mag-grow ni DJ (Daniel Padilla), and andito ako para suportahan siya sa gusto niya. And then ngayon, parang mas nabuo ako,".

Showing parin ngayon ang movie nila ni Alden Richards na Hello Love Goodbye.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post