Pinasaya ni John Prats ang kanilang manonood sa kanilang show matapos banggitin nito ang pangalan ng dating kasintahan ni Angelica Panganiban.


Nangyari ito kahapon lang August 11 2019 sa comedy show ng kapamilya network na Banana Sundae.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga potensyal na endorser ng isang tatak ng mineral na tubig at masayang pinangalanan ni John ang tatlong dating kasintahan ng sikat na aktres.

Hindi ito ini-expect ng actress na pangalanan ni John ang dati niyang kasintahan at sinubukang pigilan ni Angei ang kanyang sarili na matawa para ipagpatuloy ang acting.

Sabi ni John :“Sino yung kinukuha niyang endorser? Ni hindi ko nga kilala yun eh. Lolo Pilo? Para bumenta ang produkto mo, dapat ang kinukuha mo mga tipong Derek Ramsay, John Lloyd Cruz, Carlo Aquino… Dapat yun!”

Dagdag naman ni Pokwang “Ibig mong sabihin, kukuha siya ng ‘Ex-Men’?”
Source: Abscbn Entertainment

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post