Happy si Rafael Rosell na humarap sa isang story conference sa kanyang pagbibidahang teleserye at makakasama niya dito si Bea Alonzo na kung saan nakakatrabaho na niya noon.


"Makakatrabaho ko ulit si Bea, siguro tagal na nating hindi nagka-trabaho, isa sa mga unang soap ko, nakasama ko si Lloydie (John Lloyd Cruz) at si Dimples (Romana) - Kay Tagal Kitang Hinintay, doon ko siya unang nakasama," kwento ni Rafael Rosell

Masaya din Rafael na makakatrabaho niya si Richard Gutierez na kung saan galing din sa ibang network.

"Sobrang excited ako kasi first time kong makakasama sa screen si Richard Gutierrez, first time namin magshe-share ng frame, and I think never nangyari sa aking adventure sa kabilang working area,"  sabi ni Rafael

Sa ngayon hindi pa pinamamagatan ang kanilang teleserye.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post