Ang "Chuva Choo Choo" ay hango mula sa kanta nina Nikki Valdez at Jolina Magdangal

Sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng "Chuva Choo Choo" ngayong taon, nag-post si Jolina Magdangal kamakailan sa kaniyang Instagram account ng video ng sayaw.

Ang "Chuva Choo Choo" ay hango mula sa kanta nina Nikki Valdez at Jolina Magdangal

Dalawang dekada na ang nakalipas mula nang mauso ang dance na "Chuva Choo Choo"

Ayon kay Jolina Magdangal, nagmula ang dance craze sa isang eksena nila ni Valdez sa pelikulang "Hey Babe."

Dagdag pa niya "May eksena doon na parang sinasabi ko sa kaniya (Valdez), kinikilig ako sa isang tao,"

"Tapos sabi niya basta 'yong feeling daw na parang tumitibok-tibok 'yong puso, ang ibig non sabihin ay Chuva Choo Choo." dagdag ni Jolina Magdangal

Kabilang sina Maris Racal, Iñigo Pascual, Edward Barber, Maymay Entrata, CK Manalad, Vivoree Esclito, Julia Barretto, Joshua Garcia, Regine Velasquez, at Sarah Geronimo at tumanggap ng hamon ng "Chuva Choo Choo" Dance Challenge.

Ang dating katambal ni Marvin Agustin na si Valdez ay hinamon din niya at ang kaniyang followers sa Dance Challenge na "Chuva Choo Choo"

Kasama rin ng Kapamilya stars sina Micaela Ocampo at Johnel Brioso, isang dancing couple mula Cavite City.

Hindi naman inurungan ng Kapamilya stars sa "ASAP" ang paghataw sa sayaw na pinauso ni "Momshie Jolens."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post